^

PSN Palaro

Kailangan pa ba ng promoter ni Pacquiao?

-
LOS ANGELES -- Golden Boy, Top Rank o free agency?

Ayon sa isang malapit kay Manny Pacquiao, mas makabubuti kung mananatili siyang free-agent kaysa sa pumasok ito sa isang multi-fight o long-term contracts sa kahit na sinong promoter.

"It’s the most logical thing to do-- stay as a free agent," sabi ng isang reliable source mula sa kampo ni Pacquiao, na pinag-aagawan na ng Golden Boy at Top Rank.

Ang Golden Boy, pag-mamay-ari ng boxing su-perstar na si Oscar dela Hoya, at ang Top Rank, pag-mamay-ari ng legendary boxing promoter na si Bob Arum ay kapwa nais maka-kuha sa 27-gulang na si Pacquiao.

"But why would Pac-quiao tie himself up with a seven-fight contract with Golden Boy or a four-year deal with Top Rank?" sabi ng source na ayaw mag-pakilala.

"That’s the best thing to do (stay as a free agent). That’s the best way to get the best fights and the biggest purse. Logically, staying on as a free agent is the best thing to do," wika pa niya. "He’s Manny Pacquiao. He doesn’t really need any other pro-moter than himself. The fights will come to him. Then he only has to choose which one is better."

Marami ang nagsasabi na si Pacquiao ang pinaka-sikat na boxer ngayon at posibleng pinakamahusay na boxer sa pound for pound kaya naman ang lahat ay naghahabol ng kanyang autograph.

Noong September, tila nagtagumpay na ang Golden Boy nang ihayag ni Dela Hoya na pumirma na sa kanya si Pacquiao ng seven-fight contract.

Iniulat na tumanggap si Pacquiao ng $500,000 sa pagpirma nito sa kontrata na magbibigay ng karapatan sa Golden Boy na ipromote ang susunod na pitong laban ni Pacquiao sa tatlong taon.

Kinuwestiyon ito ni Arum na nagsabing sa ilalim ng Grand Finale fight contract ni Pacquiao, hindi ito maaa-ring pumirma sa ibang pro-moter hanggang matapos ang kanyang Nov. 18 bout laban kay Erik Morales na pina-bagsak nito sa ikatlong round. Sa post-fight press conference, ginulat ni Arum ang media nang ihayag nito na pumirma si Pacquiao at ang MP Promotions ng four-year contract sa Top Rank.

Sinabi ni Arum na ibina-sura na ni Pacquiao has ang seven-fight contract na pinirmahan nito sa Golden Boy, at ibinalik na nito ang $500,000 at ayos na rin ang lahat ng papeles. May bali-tang ibinalik ito ng Golden Boy kay Pacquiao.

Nang buuin ni Pacquiao ang sarili nitong MP Promo-tions sa kaagahan ng taong ito, sinabi niyang ipro-promote niya ang kanyang sariling laban at hindi niya kailangan ang serbisyo ng ibang promoters.(Abac Cordero)

ABAC CORDERO

ANG GOLDEN BOY

BOB ARUM

BOY

GOLDEN

GOLDEN BOY

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with