Intal, mahalagang sandata ng Harbour Centre
November 23, 2006 | 12:00am
May karagdagang lakas na ngayon ang Harbour Centre dahil sa pagdating ni JC Intal.
Nagtraining si Intal sa San Miguel Beer ng halos isang buwan at inaasahang mas mapanganib na ito ngayon matapos mag-average ng 17.9 points, 7.4 rebounds at 4.8 assists para sa Ateneo ngunit natalo ito sa MVP title kay Kenneth Bono ng Adamson.
Malaki ang papel ni Intal na tinatawag na Baby Rocket para makarating sa finals ang Eagles sa UAAP kundi nga lamang sila nadiskaril ng University of Santo Tomas ngunit handa nang kalimutan ito ni Intal.
"Honestly, the loss to UST was a very painful one, but I know its not my last chance to succeed and achieve something," sabi ni Intal. "Thats why I felt that I really need to play again. I hope I can help Harbour."
Sa di inaasahang pagkakataon, sa debut ni Intal sa Harbour Center, ang makakalaban nila ay ang bagitong Kettle Korn na binubuo ng UST Tigers team na sumilat sa Ateneo para sa 2006 UAAP title.
Ito ang dahilan kung bakit exciting ang laban ngayon na gaganapin sa sariling balwarte ng Tigers sa UST gym.
Mauuna rito ay ang sagupaang Mail & More at Teletech sa alas-2:00 ng hapon.
"Hes ready and raring to see action again," pahayag ni Harbour Centre team manager Erick Arejola. "His presence will surely give coach Jorge (Gallent) lots of offensive options.
Taglay ng Port Masters ang 1-1 win-loss slate katabla ang Mail & More at walang larong Toyota Otis kaya may pagkakataong makakalas sa grupong ito at makisosyo sa Sista at Cebuana-Lhuillier-Pera Padala na tabla sa 2-1 kartada sa likod ng nangungunang Hapee-PCU na may malinis na 3-0 record. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am