Ilang minuto matapos mabugbog ni Manny Pacquiao, nagpahaging ng pagreretiro ang Mexican fighter at future Hall of Famer, at sa edad na 30-gulang.
"For the first time in my career I felt the power of my opponent. Maybe its getting to that time," sabi ni Morales, sa pamamagitan ng Top Rank publicist na si Ricardo Jimenez.
Marami nang dinaanang mabibigat na laban si Morales at marahil, dapat na siyang magpahinga at mabuhay pa ring isang kampeon.
Sinabi ni Morales na ginawa niya ang lahat para paghandaan ang laban na sinimulan niya sa pagbabawas ng timbang sa Velocity sa Los Angeles at tinapos niya ang kanyang training sa Otomi Mountains sa Mexico.
"I did everything necessary in training camp to win this fight. But I didnt do it. He was too fast and too strong," sabi ng three-time world champion.
Sa post-fight media briefing, ipinakilala si Morales ni Bob Arum, ang kanyang promoter, bilang great, great fighter.
Hinikayat ni Arum na tumayo ang lahat at tumanggap ng standing ovation si Morales.
Nangingilid ang luha, nagsalita lamang ng isang minuto si Morales na nagpasalamat sa Top Rank at kay Arum dahil sa kanilang suporta. Nguit sinabi niyang posibleng isang laban na lamang siya.