^

PSN Palaro

Roach at Morales : Nagbabangayan pa rin

- Abac Cordero -
LAS VEGAS-- Patuloy ang bangayan sa pagitan nina Erik Morales, ang boxer, at Freddie Roach, ang trainer.

May ilang araw na lang bago isalang ang tinaguriang fight of the year, nagpakawala ng maanghang na salita si Morales laban sa American trainer ni Manny Pacquiao, na noong isang araw naman nagsabing kailangan ni Morales ng suwerte para manalo sa hard-hitting Pinoy.

"Freddie only speaks because he has a mouth. If he didn’t have a mouth he wouldn’t be saying this. He likes to talk. That’s what he is. I don’t have to listen to what he says," ani Morales nang humarap ito sa media sa Top Rank Gym, dito.

Iniwasan ni Morales na makipag-usap sa media sapul nang dumating ito galing sa Mexico noong Lunes ng gabi. Wala din ito sa mood nang dumating sa Wynn Hotel dahil sa pagkakaantala sa custom inspection sa Texas.

Kakaibang Morales ang nagpakita kahapon sa Top Rank Gym.

Nakasuot ng blue sweat shirt, shorts at rubber shoes, nagsalita din sa wakas ang dating three-time world champion at nakangiting sinagot ang mga katanungan ng media tungkol sa kan-yang nalalapit na laban.

Ngunit nang isang beteranong reporter ang nagpaabot sa sinabi ni Roach na si Morales ay "doesn’t have enough juice left" na resulta ng maigitng niyang pagbabawas ng timbang, nasaktan si Morales.

"I still got a lot left and you’ll see it," aniya.

Sagot din kay Roach ng 30 anyos na Mexican, "I’ve never been much of a talker outside the ring. I do my talking inside the ring. And it’s where we can determine who’s the better fighter -- inside the ring."

Ilang oras ang nakalipas, nagpakawala din ng salita si Roach sa media center sa Wynn Hotel.

"Freddie only speaks because he has a mouth? How clever is that?" naiinis na tono ni Roach sa pakikipag-usap kina publicist Fred Sternburg at ilang Pinoy scribes.

At nang tanungin kung nararamdaman niyang tatagal si Morales, ang tanging sagot ni Roach ay "the only way he’ll (Morales) last the distance is if he stays in the locker room."

At kung matapang si Morales sa pakikipagpalitan ng maanghang na salita, diplomatiko naman si Pacquiao.

"I respect Morales when he said he can make the weight. All you need is discipline to make weight and he is a disciplined fighter," pakumbabang wika ni Pacquiao.

At kung sinasabi niyang knockout ang nais nito, umaasa si Pacquiao na walang boksingero ang masasaktan.

"I’m just praying that nobody gets hurt. This is boxing and you can get hurt. But I want the fight to end with neither boxer needing to be brought or rushed to the hospital or something," dagdag pa niya.

Magkikita sina Morales at Pacquiao ngayong umaga para sa final press conference sa Thomas and Mack Center.

BUT I

ERIK MORALES

FRED STERNBURG

FREDDIE

FREDDIE ROACH

MORALES

PACQUIAO

TOP RANK GYM

WYNN HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with