Solo liderato asam ng Hapee-PCU
November 16, 2006 | 12:00am
Maganda ang simula ng Hapee-PCU at sisikapin nilang masundan ito upang angkinin ang maagang solong pamumuno sa 2006 PBL Silver Cup na magpapatuloy ng eliminations ngayon sa University of Santo Tomas Gym.
Nakatakdang sagupain ngayon ng Hapee-PCU ang Kettle Korn-University of Santo Tomas sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon.
Mauuna rito ay ang sagupaan ng Mail & More at ng Harbour Centre sa ganap na alas-2:00 ng hapon.
Binuksan ng Teethmasters ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 73-68 panalo noong Sabado laban sa Port Master na hindi basta-basta dahil kampeon ito sa nakaraang PBL Unity Cup.
Kasama ng Hapee-PCU sa grupo ng mga koponang nanalo sa kanilang opening games ang Cebuana Lhuillier, Toyota Otis-Letran at Sista Super Sealants sa 2006 PBL Silver Cup.
Sa tulong nina Jason Castro, Beau Belga, Mark Moreno at Larry Rodriguez sisikapin ng Hapee-PCU na masundan ang kanilang tagumpay.
Hangad naman ng Tigers ni Pido Jarencio na makabangon sa 72-99 pagkatalo sa Cebuana Lhuillier noong Martes.
Nakataya naman ang buwenamanong panalo sa sagupaan ng Mail & More at ng Harbour Centre matapos yumukod sa kanilang unang asignatura.(MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended