^

PSN Palaro

Misteryo sa timbang ni Morales tutuklasin

-
LAS VEGAS — Maraming katanungang dapat sagutin si Erik Morales tungkol sa kanyang timbang sa pagdaraos nito ng media workout sa Miyerkules ng hapon sa Top Rank gym.

Hatinggabi ng Lunes nang dumating si Morales dito sa tinaguriang Sin City, ngunit walang sinabi sa mga mediamen na matiyagang naghintay sa kanyang pagcheck-in sa Wynn Hotel.

Payat ang mukha ni Morales pero hindi mukhang pagod. At nakasuot ito ng halos tatlong layer ng damit para maitago ang kanyang katawan o tila nilalamig lamang sa lugar na tinaguriang paraiso ng manunugal.

Sa gym, magkakaroon ng pagkakataon ang mediamen na makita ng husto si Morales.

Misteryo na ang timbang ni Morales sapul nang pumirma ito at si Manny Pacquiao ng kontrata noong July.

Ayon sa ulat, noong panahon na yun tumitimbang ang Mexican boxer ng 165 lbs.

Habang patuloy ang pagsubaybay ni Pacquiao sa kanyang timbang, si Morales ay sumailalim sa dalawang buwan na reduction program sa high tech Velocity Training Center sa Los Angeles bago ito sumabak sa maigting na pagsasanay noong Setyembre.

Eksaktong isang buwan bago ang laban, tumitimbang na ito ng 142 lbs at makaraan ang isang linggo ay bumagsak ito ng 137. Noong nakaraang linggo naman ay 136 na siya ayon sa kanyang promoter na si Bob Arum at noong isang gabi ay 132 lbs. na lamang.

"His weight is okay," deklara ni Arum kahapon ng tanungin ito tungkol sa timbang ng kanyang bata. Kung lalagpas ito ng 130 lbs limit magbabayad siya ng $500,00 per pound kay Pacquiao.

"Erik was 132 last night. So what they’re really doing right now is to keep the weight up since the official weighin is not until Friday," anang poker-faced na si Arum. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

BOB ARUM

ERIK MORALES

LOS ANGELES

PACQUIAO

SIN CITY

TOP RANK

VELOCITY TRAINING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with