Sa paglalaro ni UAAP MVP Kenneth Bono kasama ang mga dating kalaban na sina Macky Escalona at Doug Kramer ng Ateneo, eksplosibo ang naging simula ng Moneymen nang agad kunin ang 27-7 abante patungo sa pagposte ng pinakamalaking winning margin sa liga.
Sumingasing ang 65 na si Bono, na walang Kramer na aabala, sa lahat ng anggulo sa harap ng nasiyahang supporters ng CL-Pera Padala.
Umiskor ang Adamson star ng 19 puntos sa 7-of-13 shooting mula sa field kasama na ang 1-of-2 mula sa 3-point zone.
Humakot din ito ng 8 rebounds nang dominahin ng Moneymen ang Tigers sa lahat ng departamento.
"Kenneth, Macky and Doug played very well but you cant discount the support of the whole team. And I am glad they did their share," ani coach Luigi Trillo.
"Its good to open our campaign with a win. Even with a short period to build the team our boys showed they can play well together," anaman ni CL-Pera Padala ownerJean Henri Lhuillier. "Were glad to be back on winning note." (Mae Balbuena)