^

PSN Palaro

Kettle Korn ubos sa Moneymen

-
Ipinaramdam ng Cebuana Lhuillier-Pera Padala ang kanilang pagbabalik sa liga nang payukurin ng Moneymen ang UAAP champion Kettle Korn-University of Santo Tomas, 99-70 sa PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center.

Sa paglalaro ni UAAP MVP Kenneth Bono kasama ang mga dating kalaban na sina Macky Escalona at Doug Kramer ng Ateneo, eksplosibo ang naging simula ng Moneymen nang agad kunin ang 27-7 abante patungo sa pagposte ng pinakamalaking winning margin sa liga.

Sumingasing ang 6’5 na si Bono, na walang Kramer na aabala, sa lahat ng anggulo sa harap ng nasiyahang supporters ng CL-Pera Padala.

Umiskor ang Adamson star ng 19 puntos sa 7-of-13 shooting mula sa field kasama na ang 1-of-2 mula sa 3-point zone.

Humakot din ito ng 8 rebounds nang dominahin ng Moneymen ang Tigers sa lahat ng departamento.

"Kenneth, Macky and Doug played very well but you can’t discount the support of the whole team. And I am glad they did their share," ani coach Luigi Trillo.

"It’s good to open our campaign with a win. Even with a short period to build the team our boys showed they can play well together," anaman ni CL-Pera Padala ownerJean Henri Lhuillier. "We’re glad to be back on winning note." (Mae Balbuena)

CEBUANA LHUILLIER-PERA PADALA

DOUG KRAMER

HENRI LHUILLIER

KENNETH BONO

KETTLE KORN-UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

LUIGI TRILLO

MACKY AND DOUG

MACKY ESCALONA

MONEYMEN

PERA PADALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with