Special Olympics
November 9, 2006 | 12:00am
Kahapon, natapos ang national games ng Special Olympics Philippines. Halos isang libong kabataan ang lumahok sa athletics, badminton, basketball, bocce (isang larong Italyano), aquatics, soccer, volleyball, powerlifting at bowling. Ang karamihan ng events ay ginanap sa PhilSports Complex, habang ang bowling ay ginawa sa Sta. Lucia Mall.
Nakakatuwa na ang mga batang di pinapansin ng lipunan ay inaalalayan ng isang organisasyon. Ang mission statement ng Special Olympics ay "To help persons with intellectual disability, to contribute in their physical, social and psychological development through successful experiences in competitive sports. For persons with intellectual disability, sports and physical fitness are the quickest, surest road to health, growth and confidence. "
Ito ay nilikha sa Amerika ni Joseph P. Kennedy, ang ama ng angkan ng mga kilalang lider tulad nina Robert, John at Ted Kennedy. May sinusundan itong kasabihang "Let me win, but if cannot win, let me be brave in the attempt."
Magkahalong awa at tuwa ang mababasa sa mukha ng mga nanonood, na hinihigitan ng pagmamahal para sa mga munting anghel na nagsusumikap na gayahin ang karaniwang tao. Subalit hindi lahat ng bata ay may Downs syndrome. Ang iba naman ay may learning difficulties lamang at nahihirapan sa mga regular na paaralan. Ngunit lahat ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga nakakapanood. Isipin na lamang natin ang tiyaga ng mga magulang at volunteer coaches na nagbibgay ng panahon at lakas upang patibayin ang loob ng mga batang ito.
Nakakapanghinayang lamang na hindi pinapanood ng mga ordinaryong mamamayan ang natatanging sports event kung saan lahat ay panalo. Sa totoo lang, napakarami sa mga bata ay nasisiyahan na nabigyan lamang ng pagkakataong maglaro. At marami ang tumutulong pa sa mga nakakalaban. Saan pa ba natutunghayan iyan?
Ang hindi pa alam ng marami, sa mga pandaigdigang patimpalak ng Special Olympics, kilala ang husay ng mga special children mula sa Pilipinas. Sa mga sports na tulad ng bowling, tinatalo natin ang daigdig. At sa basketball at iba pang events, isa tayo sa kinakatakutan. Ito ang ambag ng mga bata ng Special Olympics Philippines sa ating bansa. Tunay silang dapat hangaan, tulad ng mga magulang at volunteers na nagbibigay ng kahulugan sa mga batang hindi pinapansin ng lipunan.
At sanay tulungan natin sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended