25 days na lang Asian Games na
November 7, 2006 | 12:00am
Haay, 25 days to go na lang at sasabak na sa aksiyon ang Team Philippines sa Asian Games, ang tinaguriang Olympic ng Asia, na gaganapin sa December 1-15 sa Doha, Qatar.
Bagamat malapit na ang quadrennial event na ito, tila tahimik ang kapiligiran sa Team Philippines.
Walang gaanong ingay ang mga athletes, maliban sa ilang sports discipline na nagnanais mapasama sa Asiad pero kulang talaga sa budget.
Gayunpaman, kahit na kapos sa pondo ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee tuloy pa rin ang laban.
Kung noong Asian Games sa Busan, Korea ay nakasungkit tayo ng ginto, umaasa ang ating mga sports officials at higit sa lahat ang mga kababayang Pinoy na makakapag-uwi pa rin ng gintong medalya ang ating mga atleta. Ipinapanalangin na sana higit pa sa 3 golds, ang maiuwi natin ngayong taon.
Ilan sa inaasahang sports na makakapagsubi ng gintong medalya ay ang taekwondo, wushu, billiards at boxing at bowling.
Ipabaon natin sa ating Pambansang delegasyon ang ating mga panalangin!
Haay sus ano ba yan! Napagtatatalo naman ngayon ang Barangay Ginebra. Noong Linggo, nalasap ng Gin Kings ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan sa kamay ng kapatid na kumpanyang Purefoods.
Sa kabilang dako naman, nananalasa naman ang isa pang kapatid na kompanya nilang San Miguel Beer na umiskor naman ng apat na sunod na panalo.
Talagang ganyan, bilog ang bola ika nga.
Nais ko lang pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa akin (financially and thru prayers) sa aking linear radiation theraphy sa aking parotid gland cyst. Im now okay at maganda naman ang naging resulta ng aking theraphy. Thank you so much for all the support ang prayers.
Happy birthday nga pala kina Nolan Bernardino (Nov. 8), sa kanyang butihing ama at aking kumpare, Jun Bernardino (Nov. 9) sa aking dear friend Rhea Navarro (Nov. 12) at kumpareng Norman Black (Nov. 12), Jerry Codiñera (Nov. 14) at Pareng Alvin Patrimonio (Nov. 17).
Bagamat malapit na ang quadrennial event na ito, tila tahimik ang kapiligiran sa Team Philippines.
Walang gaanong ingay ang mga athletes, maliban sa ilang sports discipline na nagnanais mapasama sa Asiad pero kulang talaga sa budget.
Gayunpaman, kahit na kapos sa pondo ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee tuloy pa rin ang laban.
Kung noong Asian Games sa Busan, Korea ay nakasungkit tayo ng ginto, umaasa ang ating mga sports officials at higit sa lahat ang mga kababayang Pinoy na makakapag-uwi pa rin ng gintong medalya ang ating mga atleta. Ipinapanalangin na sana higit pa sa 3 golds, ang maiuwi natin ngayong taon.
Ilan sa inaasahang sports na makakapagsubi ng gintong medalya ay ang taekwondo, wushu, billiards at boxing at bowling.
Ipabaon natin sa ating Pambansang delegasyon ang ating mga panalangin!
Sa kabilang dako naman, nananalasa naman ang isa pang kapatid na kompanya nilang San Miguel Beer na umiskor naman ng apat na sunod na panalo.
Talagang ganyan, bilog ang bola ika nga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended