^

PSN Palaro

Eman nagbabalik sa PBL

-
Dahil napapaligiran ng mga mahuhusay na players sa Rain Or Shine, hindi napansin ang pagbabalik ng 6-foot-8 na si Samigue Eman sa Philippine Basketball League Unity Cup noong nakaraang taon.

Ngunit sa pag-akyat nina JR Reyes, Jun-Jun Cabatu at Jay Sagad sa pro league, asahang sisikat na ngayon ang Davao cager na babandera sa kampanya ng Sista Super Sealants sa nalalapit na Silver Cup.

"This is the best time for Eman to shine because the last time he was just a reliever. We have so many veteran big men in our team (Rain Or Shine) before so he had a limited playing time," pahayag ni coach Caloy Garcia. "I’m confident he can lead the team this time."

Hindi ito problema para kay Eman. Mayroon siyang talento para sumikat sa liga na magpaparada ng mga bagong stars na sina Jonas Villanueva, Bonbon Custodio at NCAA sensation Samuel Ekwe na maglalaro para sa powerhouse Magnolia Ice Cream bukod pa sa ilang mahuhusay na players mula sa South.

Bagamat limitado ang exposure, si Eman ay nag-average ng 5.5 points, 5.89 rebounds at 2.8 blocks noong nakaraang kumperensiya.

Isang malaking hamon sa loob ng court si Eman dahil sa kanyang bilis at pagiging agresibo at dahil sa kanyang mahahabang kamay, isa siya sa top blockers ng liga.

Bukod pa rito, nag-improve na rin ang kanyang outside shooting sa kanyang 2-of-3 shooting sa three-point zone.

Ang Sista, isa sa leading consumer products ng Germany-based Henkel, ang pumalit sa Rain Or Shine (Welcoat) na pumalaot na sa pro league. Ang Welcoat ang sole distributor ng Sista sa bansa.

Ngunit para mamintina ang winning tradition ng Welcoat, sinabi ni Garcia na kailangan nilang kumayod ng husto.

Nawala sa team ang key player na si Yousif Aljamal sa pagpapaubaya ng mega team officials, sa pangunguna nina Henkel marketing head Darwin Florendo at Jude Roque, para suportahan ang two-year development program ng San Beda College.

Nakipagkasundo ang Magnolia kamakailan lamang sa San Beda sa two-year tie-up at dahil may isang taon pa si Aljamal para lumaro sa Red Lions sa NCAA, wala siyang magagawa kundi lumaro sa Spinners.

vuukle comment

ANG SISTA

ANG WELCOAT

BONBON CUSTODIO

CALOY GARCIA

DARWIN FLORENDO

EMAN

HENKEL

JAY SAGAD

JONAS VILLANUEVA

RAIN OR SHINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with