MY Games National Invitational: 24 gold medals nakataya ngayon sa athletics

May kabuuang 20 golds ang nakataya sa athletic competitions ng 2nd MY Games National Invitational sa Rizal Memorial Track oval ngayon.

Sa pang-umagang hostilidad, magsisimula ang aksiyon sa 12-under, boys at girls’ long jump habang ang 4 x 100 meter relay boys (12 under) ang magsasara sa araw ng kompetisyon.

Samantala, maagang nagpakita ng impresibong laro ang Tanauan City makaraang daigin ang defending champion Villegas High School, 11-0 sa opening match ng baseball.

Naglista naman ng default na panalo ang Batangueños sa Little League division laban sa Muntinlupa.

Binokya naman ng Ilocos Norte ang Valenzuela, 10-0 sa no-hit, no-run secondary game.

Kabilang sa final events sa athletics ngayon ay ang shot put (4kg) girls (12 under), javelin throw (700 grams) boys (16-17), long jump girls (13-15), javelin throw (600 grams) girls (16-17), shot put (4kg) boys (12 under).

Nakataya din ang medalya sa long jump boys (13-15), javelin throw (600 grams) boys (13-15), shot put (5kg) boys (16-17), 1,500 meter run girls (12 under),1500-m run boys (12 under), 800-m run girls (13-15).

Nakatakda din ang final events sa 800-m run boys (13-15), 800-m run girls (16-17), 800-m run boys (16-17), javelin throw (600 grams) girls (13-15), long jump girls (16-17), shot put (4 kgs) girls (16-17) at ang 4 x 100 meter relay girls (16-17), 4 x 100-m relay boys (16-17) at 4x 100-m relay girls (13-15), 4 x 100 meter relay boys (13-15) at sa 4 x 100 meter relay girls (12 under).

Samantala, pansamantalang naantala ang badminton game sa San Andres Civic Center dahil sa sunog na naganap sa isang kalsada malapit sa venue.

Mabilis na inilipat ang mga evacuees mula sa nasusunog na bahay sa may Ma. Orosa st. sa ibang lugar sa utos ni Manila Sports Council chief Ali Atienza, na siya ring Presidential Assistant on Youth and Sports.

Sinabi ni Atienza na nagpuntahan sa sports complex ang mga evacuees bitbit ang kanilang mga kagamitan.

Pansamantalang inilipat sila sa isang covered basketball court sa may Dakota St. dahil hindi puwede ang pasilidad sa San Andres.

Show comments