^

PSN Palaro

Milyones ni Bata Reyes, di na darating?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Sobrang tuwa ni Efren "Bata" Reyes nung mapanalunan niya ang P28 million sa isang billiard competition kamakailan lang.

Kasabay niyan eh nagbunyi rin ang mga Pilipino dahil hindi na lang si Manny Pacquiao ang milyonaryo sa boxing, kundi pati na rin si Efren "Bata" Reyes.

Hindi lang siya bayani, kundi milyonaryong bayani.

Pag-uwi ni Bata rito, hindi niya dala ang pera dahil hindi pa naibigay sa kanya.

Kaya nga kahit na sangkaterba ang humihingi ng balato sa kanya, wala siyang naibigay at naipamahagi.

Inasahan na ni Bata ang perang yun at ng kanyang pamilya.

Pero ang hindi magandang balita-- hanggang ngayon ay di pa rin niya nakukuha ang milyones niya mula sa organizers ng tournament na yon.

Nakakaloka dahil puro pangako lang sa kanya na darating na ang tseke niya pero mukhang  mananatiling  puro pangako lang ito.

May tsismis na kumakalat na pag inalat-alat, baka wala ring dumating na pera kay Bata kahit singkong duling.

May ipinagbibili pa raw na kung ano yung organizer at kapag nabili na ito at saka makukuha ni Bata yung premyo niya.

Ang tanong–paano kung hindi mabili?

Nakakalokang tunay.

May nagsabi nga na kung hanggang sa katapusan ng buwan na ito eh hindi pa rin darating ang pera, siguradong hindi na yun darating pa forever.

Umaasa kami na maaayos din ito in due time, maaayos din yan ng mga organizers, and in the end, makukuha din ni Bata ang milyones niya.

Pag nagkataon, kawawa naman si Bata.
* * *
Tinalo ng Red Bull ang Ginebra San Miguel nung Linggo.

Nagising na ang Kings sa katotohanang porke malakas ang line-up ng isang team  eh hindi ka na pwedeng talunin.

Tama ang naging hinala ni Coach Jong Uichico na kahit tinambakan nila ang Welcoat at Purefoods sa mga nauna nilang laro, hindi ibig sabihin eh napakalakas na nilang team.

Pero mabuti na ring ganyang natatalo dahil bumabalik ang pagtuntong ng  paa nila sa lupa.

Mas mabuti na rin yang maaga pa lang eh makita na nilang may mga weakness din sila.

Mabuti  na yang habang maaga pa eh malaman nilang pwede rin pala silang talunin.

Dahil dyan, inaabangan na ng buong basketball community ang Ginebra vs. Talk N Text  at ang laban ng Ginebra vs. Sta. Lucia Realty.

Yan, tiyak na blockbuster games yan sa takilya!

BATA

COACH JONG UICHICO

EFREN

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

LUCIA REALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with