^

PSN Palaro

Mag-ingat sa Welcoat!

SPORTS - Dina Marie Villena -
Nakakagulat ang Welcoat Dragons sa kasalukuyang PBA Philippine Cup.

Sinasabi na mahina ang team dahil hindi nga nila nagawang makuha ang mga dating matitikas nilang players noong panahon sa PBL kung saan dinomina ng Dragons ang naturang amateur league sa bansa.

Kagulat-gulat dahil nakakadalawang panalo na sila sa apat nilang asignatura.

Kasama sa kanilang biktima ang San Miguel Beer na masasabing beteranong team.

Talagang bilog ang bola at masasabing walang malaking nakakapuwing!

Kaya ingat ang mga malalakas na team sa Dragons.
* * *
Speaking of malakas na team, natalo ang top at crowd favorite na Barangay Ginebra sa kanilang laban noong Linggo kontra sa Red Bull.

Hindi porke malakas ay wala nang karapatang matalo ito.

Kung baga eh, senyales lang na dapat mag-ingat ang Gin Kings sa kanilang future games.
* * *
Muling iniupo si Nelson ‘Sarge’ Beltran ng Philippine Star bilang pangulo ng PBA Press Corps at halinahan si Noli Cortez ng Malaya.

Ang iba pang opisyales ng PBAPC ay sina Barry Pascua ng Bandera bilang vice president, Joel Orellana ng Manila Times, secretary, Mae Balbuena ng Pilipino Star Ngayon bilang treasurer at Ramil Cruz ng Abante ang auditor.

Ang induction ng bagong set ng officers ay sa Oktubre 25 kung saan si PBA board chairman Ricky Vargas ang inducting officer.
* * *
Ha, ha, ha! may bagong pangulo ang BAP. Parang may mababago sa pagpapalit na ito ng liderato! Di kaya lalo pa itong gumulo?

Nagtatanong lang po!
* * *
Hello to my friend Miss Jocelyn Rodillo! Welcome back my dear! Also to Mayette Delgado, miss na kita friend!

Happy birthday to Chay Victoria (Oct. 17), Judy Serrano (Oct. 18) and my sister Sarah (Oct. 18).

BARANGAY GINEBRA

BARRY PASCUA

CENTER

CHAY VICTORIA

GIN KINGS

JOEL ORELLANA

JUDY SERRANO

MAE BALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with