^

PSN Palaro

Umatake na naman ang Dragons

-
Umatake na naman ang Dragons ng bagong saltang koponan ng Welcoat Paints at ang kanilang biktima ngayon ay ang paralisadong San Miguel Beer.

Sinamantala ng Welcoat ang pagkapilay ng line-up ng Beermen sa pagkawala ng ‘dynamic duo’ na sina Danny Seigle at Danny Ildefonso na nananatiling may injury kasama si Brandon Lee Cablay upang hatakin ang 96-88 panalo laban sa Beermen sa pag-usad ng eliminations ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Sumulong sa 2-2 panalo-talo ang Dragons na nakabawi agad sa 99-115 pagkatalo sa Phone Pals na sumira sa kanilang 85-75 pamamayani laban sa Coca-Cola habang nilagok ng Beermen ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan sa gayunding dami ng laro.

Pinangunahan ni Jojo Tangkay ang Dragons sa kanyang 18-puntos, walo nito sa fourth quarter kung saan nakipagtulungan ito kay Denver Lopez na nagsumite ng 16-puntos tulad ni Rob Wainwright.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban para sa ikaapat na sunod na panalo ang Ginebra laban sa Red Bull para angkinin ang solong pamumuno. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BEERMEN

BRANDON LEE CABLAY

DANNY ILDEFONSO

DANNY SEIGLE

DENVER LOPEZ

JOJO TANGKAY

MAE BALBUENA

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with