^

PSN Palaro

Mabuhay ka Sen. Jinggoy Estrada!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Iisa ang pinakahihintay ng mga basketball fans ngayong araw na ito.

Ang muling paghaharap ng landas nina Enrico Villanueva at Joseph Yeo.

Magkalaban ang teams nila pero marami ang nakatingin sa paghaharap nilang dalawa.
* * *
Very busy ang sports world kahapon.

Ang daming pangheadlines.

Mabuhay si Senator Jinggoy Estrada na siya na ngayong BAP President.

Unanimous ang pagkakapili kay Jinggoy bilang President. Unopposed.

Noon pa man, nananalaytay na ang dugong basketball kay Jinggoy.

Napakahilig niya sa basketball at nung kasagsagan ng Jaworski days sa PBA at hindi pa siya senador, lagi mo yang makikitang naka-suporta sa Ginebra.

Ang sobrang pagmamahal niya sa basketball ay nagtulak sa kanya para magbuo ng team para sa MBA, ang San Juan Knights.

Maraming basketball players, yung iba nasa PBA pa, yung iba retirado na, ang makapagpapatunay kung gaano kabait at ka-dedicated na team manager si Jinggoy at kung paano niya minahal ang kanyang basketball team

Over the past years, silent partner siya ng basketball.

At ngayong nabigyan siya ng oportunidad na muling makatulong sa mundo ng basketball, hindi siya tumanggi.

Masaya si Joey Lina sa taong pumalit sa kanya– as dedicated, as loving to the sports, and as committed to the resurrection of Phil. basketball.

Nawa’y malaki ang maitulong ng pag-upo ni Jinggoy sa BAP. Sana nga ay magkaroon na ng magandang developments ang SBP at POC at ang BAP patungo sa eventual lifting ng suspension natin sa FIBA.

Hindi pa rin nawawala ang puwersa ng BAP sa basketball.Biruin mong lagpas sa 100 personalidad yan mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na sumugod sa Aloha Hotel para ipakita ang suporta nila sa BAP.

Ibig lang sabihin, buhay na buhay ang BAP.

Matatag pa rin at palaban.

Mabuhay ka, Senator Jinggoy Estrada!
* * *
Muntik nang maisahan ang Ginebra San Miguel ng Air 21 team. Ngayon, hindi na lalong kumbinsido si Coach Jong Uichico na napakalakas ng team niya at walang maaring tumalo.

Dahil nga muntik na siyang madisgrasya. Slowly but surely, nagpapakitang gilas na rin ang Sta. Lucia team.

Tournament leader na sila ngayon dahil wala pa rin silang talo matapos talunin ang San Miguel Beer.

vuukle comment

ALOHA HOTEL

BASKETBALL

COACH JONG UICHICO

ENRICO VILLANUEVA

GINEBRA SAN MIGUEL

JINGGOY

JOEY LINA

JOSEPH YEO

SENATOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with