Bagamat "a must win situation", nabigong maipanalo ni Gonzales ang laro para sa pagtarak sana ng krusiyal na buong puntos matapos ang 40 moves draw ng Alekhine Defense kontra kay fellow IM Dutreeuw tangan ang itim na piyesa at naging dahilan din para maputol ang kanyang three game winning streak matapos matamo ang nag-iisang pagkatalo sa kamay ni top seed GM Lazaro Bruzon (2677) ng Cuba sa third round.
Si Gonzales ay naka-ipon ng kabuuang 5.5 puntos, mula sa limang panalo, isang talo at draw sa ikapitong laro.
Sa isang banda, lahat ng top 4 boards ay nauwi sa draw kasama na ang laro sa pagitan nina Detreeuw at Gonzales sa Board 3.
Sa Board 1, naghati sa puntos sina GM Bruzon at IM Arturo Vidarte ng Peru matapos ang 46 sulong ng Sicilian Ritcher Rauzer Attack.
Sa Board 2, tabla din sina IM Martin Senff ng Germany at IM Georgios Souleides ng Greece sa 12 moves ng Sicilian Defense habang tabla din sina GM Sergei Krivoshey ng Ukraine at IM Herminio Herraiz Hidalgo ng Spain sa 8 moves ng Dutch Defense sa Board 4.