Shell National Youth chessfest susulong sa Zamboanga City

Wawakasan ng 2006 Shell National Youth Active Chess Championship ang 8-stage nationwide circuit sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 1 sa pagtatanghal ng huling dalawang Mindanao leg sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City. 

Anim na slots-- tatlo sa juniors at kiddies division--ang nakataya sa 7 round Swiss system tournament na inaasahang hahakot ng pinakamaraming 500 players.

Para sa ilang detalye, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na coordinators:  Alex Dinoy sa 744-1664 o 0916-5146384 o local coordinator Engr. Carlos Florendo (0920 627-9784-Zamboanga). 

May 42 players ang nakasiguro na ng slots sa national finals na nakatakda sa Oktubre 21-22 sa SM City North EDSA nang tumapos ito sa top three ng unang pitong yugto ng event na hatid ng Shell Super Premium, Shell Super Unleaded, Shell V-Power; Shell Diesoline Ultra, Shellane, McDonald’s at Cebu Pacific sa kooperasyon ng SM Supermalls.

Ang naturang torneo ay may basbas ng National Chess Federation of the Philippines. 

Ang national champion sa juniors division ay tatanggap ng P30,000 habang ang kiddie champion ay magbubulsa naman ng P20,000. Ang mga leg winners sa junior at kiddies categories ay mag-uuwi naman ng P5,000 at P4,000, ayon sa pagkakasunod.

Gagamitin ang 9-round Swiss system affair sa grand finals.

Show comments