^

PSN Palaro

Pinakamagandang Asian Games - 2

-
DOHA, Qatar – Isang matayog na tower ang ginawa para sa paglulunsad naman ng Games eternal flame na may 300 meters ang taas na halos abot ang ulap sa pagbubukas ng Games.

Ang Academy of Sports Excellence (ASPIRE), na siyang tinatayuan ng indoor athletic stadium, 5,000-seater football stadium, Olympic-sized swimming at diving pools, at seven multi-purpose sports halls, ay isa sa pinakamalaking indoor sports dome sa buong mundo na may covered area na 290,000 sqm.

Ilang bahagi lamang ang gagamitin ng Games sa malawak na pasilidad ng  ASPIRE, na pangunahing gagamitin ng Sporting Academy na may 300 students mula sa iba’t ibang bansa na naninirahan, nag-aaral at nagti-training sa Academy.

Iho-host ng ASPIRE ang boxing, badminton, wushu, wrestling, at kabaddi, habang ang gymnastics ay gaganapin sa indoor athletics stadium.

Ang state-of-the-art Indoor Basketball Hall ay magbibigay ng maraming upuan para sa isa sa pinanabikang spectator sports ng Asian Games.

Ang Hamad Aquatic Centre ay matatagpuan naman sa Sport City at pinaganda ng de kalidad na pasilidad na halos doble ng three-story building na kinalalagyan ng dalawang Olympic-sized swimming pools, isa para sa kompetisyon at isa sa warm-up.

Mahigit 2,000 spectators ang masisiyahang manood ng event sa main arena na host ng swimming, diving at synchronised swimming events. (Arsenic A. Lacson)

ANG ACADEMY OF SPORTS EXCELLENCE

ANG HAMAD AQUATIC CENTRE

ARSENIC A

ASIAN GAMES

IHO

ILANG

INDOOR BASKETBALL HALL

ISANG

SPORT CITY

SPORTING ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with