Pinakamagandang Asian Games
September 26, 2006 | 12:00am
DOHA, QATAR Mula sa Disyembre 1-15, ang Doha, ay magiging sports capital ng buong mundo at palalakasin ang sports program sa kasaysayan ng Asian Games kung saan may 45 bansa ang magpapadala ng kani-kanilang mahuhusay na atleta para lumahok sa 39 sports at 423 events.
Ang Doha, na nasa kagila-gilalas na paghahanda, ay umaasam na ang 2006 Asiad ay isa sa pinakamagandang Games na masasaksihan.
"For us our Games-time is now," ani Carmen Smith, Brand, Look and Events Programme Manager for the Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC) sa ginagawang paghahanda sa pagdedekorasyon ng Doha.
At bago matapos ang Nobyembre, ang Look Team ay palalamutian na ang Doha ng makukulay na Asian Games logo na may kagila-gilalas ding visual effect.
Ang Doha 2006 ay may higit na 70 competition at non-competition venues, na bawat isa ang nangailangan ng custom design at production at may 40,000 installation pieces na maingat na sinuri at dinamitan.
Ang Khalifa Stadium na orihinal na binuksan noong 1976, ay nadoble ang sukat at gumastos ng $300M para sa extensive rebuilding at maging isang bagung-bagong stadium.
Bukod sa lumaki ang seating capacity sa 50,000 may bago na rin itong bubong sa west side at may kakaibang arko sa may east side na nagdadala ng floodlights kung saan ilulunsad ang platform para sa fireworks sa Opening Ceremony sa December 1 na may state-of-the art running track. (May kasunod) (Arsenic Lacson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended