"It is our first time to be competing in this event. So we really dont know what to expect but we intend to give our best," sabi kahapon ni national wrestler Marcus Valda.
Sakaling makasikwat ng gintong medalya ang isa man sa pitong atleta na ipapadala ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa 2006 World Championships, awtomatiko na itong makakalaro sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China.
Ang silver medal ni Gemma Silverio noong 1996 ang pinakamataas na karangalang nakuha ng bansa sa World Championships.
Ayon kay Valda, isang two-time gold medalist sa Southeast Asian Games, ang nasabing torneo ay bilang paghahanda na rin ng national team para sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre.
"Its all in line with our preparations for the Asian Games in Doha, Qatar," ani Valda. "So a lot of us after the World Championships diretso na kami for training sa Mongolia and some will be going to Korea."
Nakatakda ang nasabing 2006 Doha Asiad sa Disyembre 1-15 kung saan hangad ng Team Philippines na maduplika kundi man ay malagpasan ang naiuwing tatlong gintong medalya ng mga Pinoy sa Busan, Korea noong 2002.
"I really hope well do well this year," sambit ni Valda, pamangkin ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo. (RCadayona)