Ito ang inamin kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. hinggil sa kakapusan ng pondo ng Team Philippines.
"We are still lacking like P10 million," wika ni Cojuangco, naktakdang magdiwang ng kanyang ika-72 kaarawan ngayong araw. "That will already be including the team sports."
Ang tinutukoy na mga team sports ni Cojuangco na pinipilit nilang mapasama sa national contingent ay ang baseball, softball at water polo.
Ilang paraan na ang ginagawa ng PSC upang makatipid sa gastusin sa 2006 Doha Asiad na nakatakda sa Disyembre 1-15.
Isa na rito ang pagpaplantsa sa ticket fare ng bawat atleta at opisyales na nailista sa $800 mula sa dating $1,000.
Ayon kay Cojuangco, ang bawat centavo na matitipid ng PSC ay lubhang napakahalaga sa buong delegasyong lalahok sa naturang quadrennial event.
"Were really pinching every centavo that we can. Tayo ay nakiusap na sa ating mga kaibigan na kung puwedeng tumulong sila," wika ng POC chief na pangulo rin ng Philippine Equestrian Federation (PEF). (RCadayona)