Iyan ang karta ng San Beda College sa pagtatapos ng elimination round ng NCAA basketball tournament. Umaasa ang Red Lions na makukuha ang kanilang kauna-unahang kampeonato matapos ang 28 taon. Nagsimula ang season na malakas bagamat bata ang Red Lions. Bihirang magkamali sa pagpasa o pagtira si team captain Alex Angeles, habang lagi namang maaasahan ang beteranong forward na si Yousif Aljamal.
Ang mga reserba ay napakalakas din. Sa wakas, napanatili ng Beda ang kanilang mga player mula sa high school, na madalas agawin ng ibang mga eskuwelahan. Sina Borgie Hermida, JR Tecson at Riego Gamalinda ay nagbibigay ng malakas na suporta mula sa bangko, habang solido naman ang laro ni Pong Escobal, na rookie mula sa Mindanao. At hindi pa natin nababanggit si Sam Ekwe. Ang 68 na sentro ay nagpunta dito mula sa Nigeria para mag-aral maging pari. Subalit, dahil sa tangkad niya, kinuha siya ng Red Lions. Nangunguna siya sa NCAA rebounding (15 bawat laro) at blocked shots (halos tatlo bawat laro).
Noong Miyerkules, bagamat balewala ang laban para sa kanila, ginusto ng Beda na talunin ang Letran Knights para mapilitan ang huli na dumaan pa sa isang playoff laban sa Philippine Christian University Dolphins. Punum-puno ang Araneta Coliseum.
"Its gonna be gruelling ang physical," sabi ni San Beda head coach Koy Banal, na nabigyan ng isang technical noong halftime. " It only means that every team is preparing for us," patuloy ni Banal. "So we cannot relax, we cannot nap, even for a second. We have to stay sharp all the time. We just have to know our counters."
Napakahigpit ng depensang ipinimalas ng Letran. Sa ikalawang quarter, dalawang puntos lamang ang naitala ng Red Lions. Subalit nang mabigyan ng dalawang technical foul si Letran coach Louie Alas at pinaalis sa laro, lamang na ang San Beda.
"Pag Letran kasi ang kalaban, very tough sila, e so kailangan focus ka talaga, kailangan one hundred percent ka," sabi ni Yousif Aljamal, na nagtala ng walo sa kanyang 14 puntos sa fourth quarter. "Umaga pa lang, iniisip ko na itong game. Feeling ko mananalo kami, kasi gusto talaga naming manalo bawat laro, e."
" I just reminded the players of our obligation," pangwakas ni Banal. "To God, to school, to the fans and to you guys. We want to give everybody a good game, something that you will enjoy. I just reminded them that the talent that God has given us, its just right to give back to God by playing hard, by giving our hundred percent."