At ang pagbuo ng iisang pinagsamang national basketball league ay sapat na para maisentro ng bansa ang kumpletong pagmolde ng sport at paghahanda para sa mga international tournaments na kinabibilangan ng Asian Games ngayong Disyembre sa Doha, Qatar, ayon pa kay Gullas.
Ayon pa kay Gullas, tinanggap na ni Pangilinan ang imbitasyon upang pamunuan ang three-man panel na mangangasiwa sa pagbuo ng bagong national basketball association.
"Manny is definitely a terrific choice. His great love and passion for the game and his probity would ensure that the new basketball organization would have a solid foundation," ani Gullas
Inanyayahan din si Gullas na siyang manguna sa Philippine Basketball Federation Inc. noong nakaraang taon, subalit tinanggihan niya ito dahil na rin sa kanyang pagiging abala bilang mambabatas.
Si Gullas din ang gumiya sa University of the Visayas Green Lancers na yumanig sa Ateneo Blue Eagles noong 1957 National InterCollegiate Basketball finals. Nagserbisyo rin siya ng ilang taon bilang pangulo ng Cebu Collegiate Athletic Association.
At ang pagtatag ng isang bagong national basketball association sa darating na Sept. 30 ang magbibigay daan sa FIBA na alisin ang kanilang 15-month-old suspension na ipinataw sa bansa, na dumiskaril sa Pilipinas para hindi makalahok sa mga official international competitions.