Titulo hiling nina Alas at Dualan sa 3 first round top pick ng PBA
September 4, 2006 | 12:00am
Bago man lamang umakyat sa professional league, isang kampeonato ang kapwa hiling nina Louie Alas ng nagdedepensang Letran College at Joel Dualan ng Philippine Christian University sa tatlong first round pick.
Umaasa si Alas na maibibigay nina Aaron Aban at Boyet Bautista, nakuha ng Alaska Aces at Purefoods Chunkee Giants, ayon sa pagkakasunod, ang ikalawang sunod na korona ng Knights sa 82nd NCAA mens basketball tournament.
"Siyempre, we are hoping na magchampion ulit kami for the second consecutive year," ani Alas sa Intramuros-based cagers na may 16 NCAA titlies na. "Sana maretain namin yung korona this year bago sila maglaro sa PBA."
Ang pagbawi sa nawalang korona ang siya namang hangad ni Dualan na maibibigay ni 6-foot-6 Gabby Espinas sa Dolphins.
"We are hoping na mabibigyan pa kami ni Gabby ng isa pang championship after nung 2004 bago siya umakyat sa PBA para sa San Miguel," wika ni Dualan kay Espinas na magiging isang Beerman na sa Oktubre.
Sa pagkopo ng San Beda Red Lions sa No. 1 spot sa Final Four sa likod ng kanilang 12-1 rekord, pipilitin naman ng Dolphins (9-4) na manaig sa Mapua Cardinals (7-6) sa Miyerkules sa Araneta Coliseum upang makatulak ng isang playoff para sa No. 2 seat.
Sasagupain naman ng Knights (10-3) ang Red Lions sa ikalawang laro kung saan hangad nilang masementuhan ang pag-angkin sa No. 2 spot na magtataglay ng twice-to-beat incentive kagaya ng No. 1 team.
Alam kong mahihirapan kami sa pagpasok sa championship. Pero may sapat naman kaming manpower para lumaban sa kahit sinong team," ani Dualan. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest