^

PSN Palaro

Pinoy trios pumapangatlo

-
Naglista ng kabuuang 1,313 pins ang Philippines at manatiling nasa likuran ng Korea at Singapore matapos ang two games ng Trios first block Squad 2 sa World Men’s Bowling Championship na ginaganap sa Homeplus Asiad Bowling Centre sa Busan, South Korea.

Binanderahan ni SEA Games gold medalist Markwin Tee ang kampanya ng RP bowlers sa kanyang 234 at 236 habang ang 6-time world champion na si Paeng Nepomuceno ay nakarekober naman mula sa hindi magandang panimula na 175 at umiskor ng 237 sa short oil pattern.

Umiskor naman si Tyrone Ongpauco ng 207 at 234 para manatiling nakadikit ang Philippines sa Korea (1,414) at Singapore (1,333) may apat na games pang nilalaro habang sinusulat ang balitang ito.

Samantala, ang RP duo nina Chester King at Biboy Rivera ay nakuntento lamang sa ikawalong puwesto na may 2,689 sa doubles long oil pattern na pinagharian ng Sweden (2,831) na dumaig sa England (2,808) para sa gintong medalya.

Napanatili nina Robert Andersson at Martin Larsen ang kanilang abante para sa final squad ng doubles event at maisukbit ng Sweden ang kanilang unang gintong medalya.

vuukle comment

BIBOY RIVERA

BOWLING CHAMPIONSHIP

CHESTER KING

HOMEPLUS ASIAD BOWLING CENTRE

MARKWIN TEE

MARTIN LARSEN

PAENG NEPOMUCENO

ROBERT ANDERSSON

SOUTH KOREA

TYRONE ONGPAUCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with