^

PSN Palaro

Bedans at Cardinals muling magkikita

-
Matapos ang eliminasyon, muling magkikita ang San Beda College at Mapua Tech sa Final Four. 

Dumiretso sa kanilang ika-11 sunod na pagragasa ang Red Lions matapos sagpangin ang Cardinals, 73-56, para sementuhan ang kanilang pagiging No. 1 team sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Sadium. 

Sa Final Four, tatayong No. 1 ang San Beda (12-1) bitbit ang ’twice-to-beat’ incentive laban sa No. 4 Mapua (7-6), habang pag-aagawan naman ng nagdedepensang Letran (10-3) at 2004 champions Philippine Christian University (9-4) ang No. 2 seat. 

Matapos kunin ang first period, 19-14, itinala ng Red Lions, huling nagkampeon noong 1978 sa pamumuno nina Chito Loyzaga at JB Yango, ang isang 22-point lead kontra Cardinals bago nakadikit ang huli sa pagpinid ng third quarter, 42-55. 

Sa inisyal na laro, tinalo naman ng Jose Rizal U ang five-time champions San Sebastian 89-76, para sa magkatulad nilang 4-9 kartada. 

Sa high school division, nanaig ang Staglets (8-3) sa 79-77 sa Light Bombers (6-5).

vuukle comment

CHITO LOYZAGA

FINAL FOUR

JOSE RIZAL U

LIGHT BOMBERS

MAPUA TECH

MATAPOS

NINOY AQUINO SADIUM

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RED LIONS

SA FINAL FOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with