^

PSN Palaro

Magkasundo kayo – FIBA

-
Kailangang magkasundo ang Philippine Olympic Committee at ang Basketball Association of the Philippines.

Ito ang nais mangyari ng International basketball federation o FIBA na nakatakdang desisyunan ngayon sa pagtatapos ng world congress sa Tokyo, ang pagbawi o hindi ng suspension na ipinataw sa bansa na siyang dahilan para hindi makapagpadala ng basketball team ang Pinas sa mga international competitions.

"It’s still a stalemate. FIBA wants us to solve the problem among ourselves. They won’t take a stand.  We have the whole day to sort this out with the BAP," ani Philippine Olympic Committee (POC) first vice president at Rep. Monico Puentevella. "We go back to the drawing board (for another meeting) the whole day.  Miracles do happen."

Bago magdesisyon ang FIBA ngayon, kailangang may mapagkasunduan na ang POC at ang BAP na kinatawan dito ng presidente nitong si Joey Lina, secretary-general Graham Lim, chairman Michel Lhuillier at coach Yayoy Alcoseba.

Hinarap kahapon ni FIBA secretary-general Patrick Baumann ang mga kinatawan ng BAP at ng POC na pinangungunahan ni Puentevella kasama sina POC legal counsel Emigdio Tanjuatco, Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Noli Eala, Pilipinas Basketball president Bernie Atienza ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at lawyer Ramon Malinao.

Noong Linggo, nakipagkita ang  Philippine delegations kay Baumann, outgoing FIBA president Carl Ching Meng Ky ng Hong Kong at dating FIBA secretary-general Borislav Stankovic para sa tatlong oras na meeting ngunit walang nangyari para maayos ang problema.

Inalok ni Baumann ang mga abogado ng FIBA para maging moderator ngunit mas pinili ng dalawang grupo na pag-usapan na lamang ang problema. (MBalbuena)

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BAUMANN

BERNIE ATIENZA

BORISLAV STANKOVIC

CARL CHING MENG KY

EMIGDIO TANJUATCO

FIBA

GRAHAM LIM

HONG KONG

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with