^

PSN Palaro

Knights tinalo ng Dolphins

- Ni Russell Cadayona -
Isang maigting na agawan para sa ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive. 

Ito ay matapos talunin ng Philippine Christian University ang nagdede-pensang Letran College, 59-48, na nagpahigpit sa kanilang unahan para sa naturang insentibo sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium. 

Ang naturang panalo ang nagbigay sa Dolphins ng 9-4 rekord sa ilalim ng San Beda Red Lions (11-1) at Knights (10-3) kasu-nod ang Mapua Cardinals (7-5) patungo sa Final Four. 

Hindi inalintana ng PCU, ang 2004 NCAA champions, ang halos 45 minutong pagkakaantala ng laro bago simulan ang fourth quarter bunga ng pagtulo ng ulan sa kisame ng stadium. 

Matapos itabla ni Aaron Aban ang Knights sa 43-43 sa 8:17 ng final canto, kinayod naman ni Jason Castro ang isang 7-0 atake ng Dolphins para sa kanilang 50-43 abante, 6:16 rito.

 "Hiningi ko lang naman sa mga players ko ‘yung first four minutes ng fourh quarter," ani coach Joe Dualan. "Fortunately, nag-pick up naman ‘yung ibang players, especially Jason Castro." 

Tuluyan nang sinelyu-han ng PCU ang kanilang panalo mula sa 3-point shot ni Robby David para iwanan ang Letran, nasa kanilang two-game losing skid ngayon, sa 57-46 sa huling 1:55 ng laban.   

 Sa inisyal na laro, tinipa naman nina Jeff Libunao at Kris Robles ang huling pito sa kabu-uang 8 puntos ng Blazers sa overtime period para takasan ang Altas, 68-66. Ang naturang panalo ng College of St. Benilde, may 2-11 rekord ngayon, ang pumi-gil sa kanilang 10-game losing slump, habang nahulog sa 4-9 ang baraha ng UPHD.

vuukle comment

AARON ABAN

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

JASON CASTRO

JEFF LIBUNAO

JOE DUALAN

KRIS ROBLES

LETRAN COLLEGE

MAPUA CARDINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with