Jaworski-Carino tandem sa Pasig sa 2007 elections

 Kumpirmado na raw--si Dudut Jaworski ay tatakbo bilang Mayor ng Pasig sa susunod na eleksyon.

Si Toti Carino ng Fil-Estate ang magiging ka-tandem niya bilang congressman.

Si Dudut, na dating player ng Ateneo at Ginebra eh anak ni dating Senador Robert Jaworski.

Sinong mag-aakalang naging tuluy-tuloy na ang pag-pasok sa politika nitong si Dudut?

Matapos maging congressman, ngayon naman ay ang pagiging Mayor ng isang malaki at mayamang bayan na tulad ng Pasig ang susunod para sa kanya.

Exciting ang labanan sa Pasig sa darating na eleksyon.
* * *
Matagal nang inasahan yan.

Ang NCAA Final Four: San Beda, Letran, PCU, at Mapua.

Positioning na lang ang hinihintay ng basketball fans dyan.

Sa tingin ko, ang Final Four crossover ay San Beda vs. Mapua, at Letran vs. PCU.

At siyempre, San Beda at Letran ang may twice-to-beat advantage dyan.
* * *
Talo sa overtime ang Ginebra sa SK Knights sa Brunei.

Sayang, ang ganda pa naman ng laro ng Kings, lalo na si Mark Caguioa.

Obvious naman, niluto.
* * *
By next week, tapos na ang pirmahan ng lahat ng rookies para sa PBA.

Kailangan na nilang tapusin yan para makabalik na sila sa regular practice.

As expected, sina Kelly Williams, Arwind Santos, LA Tenorio, Mark Isip at Joseph Yeo ang nakatakdang maka-tanggap ng pinakamagagandang kontrata among all the rookies.
* * *
Blooming na blooming ang mukha ng isang sikat na PBA player na nahiwalay na sa kanyang asawa.

Malamang eh dahil sa nawala na kasi ang malaking perwisyo at problema sa buhay niya.

Maligaya na siya sa piling ng kanyang bagong "asawa".
* * *
Isang basketball player naman ang nagoyo ng isang bading na inakala niyang mayaman at may kapangyarihan.

Nagpanggap na isang politiko ang bading na ito at inakala naman ni player na maimpluwensiya siya.

Sa bandang dulo, si player pa ang natakbuhan ng pera ni bading.

Hindi naman pala ito politiko at wala itong pera talaga.

Kawawa naman si player.

Show comments