^

PSN Palaro

Warriors umusad sa Final 4

- Mae Balbuena -
Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinagbibigyan ng University of the East ang National Uni-versity sapul noong 2002.

Sa siyam na beses na pagha-harap ng UE Red Warriors at ng NU Bulldogs, hindi pa rin nananalo ang huli.

Ipinamalas ng Red Warriors ang kanilang dominasyon sa Bull-dogs sa pama-magitan ng impresi-bong 76-57 pa-nalo na nagka-loob sa kanila ng ikalawang Final Four slot ng UAAP men’s basketball tourna-ment na nagpa-tuloy kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

"We wanted to be in the top two, pero kung kaya naming maging No. 1, siguro kakayanin dahil mabigat ‘yung mga kalaban ng Ateneo sa mga remaining games nila," ani coach Dindo Pumaren.

Ang 40-34 abante sa first half ay ginawang 23-puntos ng East ang lamang, 72-49, sa huling 2:08 ng fourth quarter mula sa basket ni Narciso Llagas.

Tumapos sina Bonbon Custodio at Mark Borbo-ran ng tig-13 marka para sa Red Warriors na sumulong sa 7-2 kartada sa ilalim ng Ateneo Blue Eagles na may malinis na 8-0 record.

Sa ikalawang laro, dumiretso naman ang Growling Tigers sa kanilang ikalawang dikit na panalo na nagsulong sa kanila sa 4-5 kartada matapos pasadsarin ang defending champion Far Eastern University, 77-75 na kanilang ibinagsak sa 4-6 record.

ATENEO BLUE EAGLES

BONBON CUSTODIO

DINDO PUMAREN

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GROWLING TIGERS

MARK BORBO

NARCISO LLAGAS

NATIONAL UNI

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with