^

PSN Palaro

Cua binanderahan ang UST

-
Binanderahan ni National Master Sherilyn Cua ang University of Santo Tomas sa pananalasa nito noong weekend makaraang walisin ng Tigresses ang University of the East at Ateneo sa UAAP Season 69 women’s chess field.

Nanaig si Cua, winner ng bronze medal noog 23rd Manila SEA Games, sa 36 moves ng London System kontra kay Jaymalyn Fronda at pangunahan ang 4-0 pananalasa sa ikalawang round noong Sabado.

At sa ikatlong round naman noong Linggo, muling nanaig si Cua sa pamamagitan ng 51 moves ng London system uli upang igupo si Katrina Edanoil ng Ateneo para sa isa pang 4-0 blowout sa UE Briefing Room.

Dahil sa 11.5 puntos sa posibleng 12.0, malinaw na may 3.0 puntos na layo sila sa pumapangalawang Far Eastern U na nakipag-draw sa University of the Philippines, 2-2 noong Sabado at 3-1 panalo laban sa UE noong Linggo para sa kabuuang 8.5 puntos.

Ikatlo naman ang UP na may 7.5 kasunod ang Ateneo at National U na may 3.0 bawat isa at UE na may 2.5 puntos sa women’s contest.

Patuloy naman ang pananalasa ng Adamson U sa men’s side sa kanilang 11.0 puntos kasunod ang 2-2 draw laban sa UP noong Sabado at 2.5-1.5 panalo naman sa UE noong Linggo.

Pumapangalawa naman ang UST na may 8.5 puntos na may 1.5 puntos na bentahe sa FEU at 2.0 abante naman sa UE at NU.

vuukle comment

ADAMSON U

ATENEO

BRIEFING ROOM

CUA

FAR EASTERN U

JAYMALYN FRONDA

KATRINA EDANOIL

LINGGO

LONDON SYSTEM

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with