^

PSN Palaro

Viloria handa nang sumabak

-
Mula sa magaling na niyang kanang kamay, handang-handa na si Filipino world champion Brian Viloria sa pagtatanggol ng kanyang korona sa Agosto 10 sa Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

"I feel good and the training camp has been perfect. My hand is completely healed and I am ready for Romero," ani Viloria matapos ang kanyang sparring session bilang paghahanda sa kanyang title fight kay Mexican Omar Nino Romero.

Ito ang ikalawang pagkakataon na idedepensa ng 25-anyos na Hawaii-born ang kanyang World Boxing Council (WBC) light flyweight belt matapos itong agawin kay Erik Ortiz noong Oktubre ng 2005.

Matatandaang nagkaroon ng injury sa kanyang kanang kamay si Viloria sa kasagsagan ng kanilang laban ni Jose Antonio Aguirre noong Pebrero.

Sa kabila nito, nakahugot pa rin ng isang unanimous decision si Viloria laban kay Aguirre upang mapanatili ang kanyang korona.

Ibinabandera ni Viloria, tinaguriang "The Hawaiian Punch" sa world boxing scene, ang 19-0 win-loss ring record kasama ang 12 knockouts, habang may 23-2-1 slate naman si Romero, tampok rito ang 10 KOs.

Inaasahang magiging mabagsik si Romero kay Viloria sa hangaring maipaghiganti ang kanyang mga kapwa Mexican fighters na pawang natatalo sa mga Filipino boxers.

Ang huling Mexican na natalo sa mga kamay ng isang Filipino ay si Oscar Larios nang igupo ni Manny Pacquiao noong Hulyo 2. sa Araneta Coliseum. (Russell Cadayona)

ARANETA COLISEUM

BRIAN VILORIA

ERIK ORTIZ

HAWAIIAN PUNCH

JOSE ANTONIO AGUIRRE

KANYANG

LAS VEGAS

MEXICAN OMAR NINO ROMERO

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with