Pinoy judokas kumpiyansa
August 5, 2006 | 12:00am
HO CHI MINH Armado ng matagumpay na paglahok sa mga international stint, kumpiyansa ang Philippine judo team na muling makapagbibigay sa bansa ng karangalan sa pagsisimula ngayon ng kanilang kampanya sa 15th Vietnam International Judo Tournament sa Army Indoor Stadium dito.
Mula noong nakaraang 23rd Southeast Asian Games noong nakaraang taon, isa sila sa nakatulong sa bansa upang mapagwagian ng Pilipinas ang kaunaunahang championship, muling ipagpapatuloy ng Filipino judokas ang kanilang mahusay na performance sa ibat ibang international competitions, na naghulma sa kanila bilang isa sa maasahang mapagkukunan ng bansa sa inaasahang gintong medalya sa nalalapit na Asian Games sa Doha, Qatar.
Babanderahan ng seventime Southeast Asian Games gold medalist na si John Baylon ang 8man crew na ipinadala dito ng Philippines upang masubukan ang kanikanilang tikas laban sa mga mahuhusay na judokas sa rehiyon sa dalawang araw na kompetisyon.
Bukod kay Baylon, ang iba pang miyembro ng koponan na lalahok dito ay ang kapwa niya SEA Games gold medal winner na sina Gilbert Ramirez, Oliver Franco, Aristotle Lucero, Jayson Senales, FilJapanese Tomohiko Hoshina, Nancy Quillotes, at Estie Gay Liwanen. Tatayong coach si Melvin Magata kasama si Baylon na gigiya sa koponan.
Ang Pinoy judokas ay mapapasama sa mga pambato mula sa powerhouse Japan, South Korea, Thailand, Sri Lanka, Laos, Malaysia, ChineseTaipei, Myanmar, at host Vietnam, na nagpadala ng apat na koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am