Pangungunahan nina Kerby Raymundo ng bagong PBA Philippine Cup champion team Purefoods at Willie Miller ng Alaska ang 11-man selection na sasabak laban sa national teams ng Angola, Latvia at Qatar sa isa sa maraming inter-national tournaments na sasalihan ng SMC-Team Pilipinas.
Nagkaroon ng pagba-bago sa schedule ng paghahanda ni national team coach Chot Reyes dahil hindi nakarating sa oras ang Angola, na dapat kalaban ng Team Pilipinas sa opening kahapon kaya inireset ang RP-Angola match sa Biyernes.
Pahinga sana ng PBA squad sa Aug. 4 bilang paghahanda sa crossover semifinals.
"But we will now have to play on that day, thus we will now face a semis opponent without the benefit of a rest while the other team would be coming off a one-day break," ani Reyes.
Gayunpaman, sinabi ni Reyes na optimistiko pa rin ang kanyang team at gagawa sila ng paraan para manalo laban sa kanilang mga world-class na kalaban.
Nangunguna sa team na sponsored ng San Miguel Corp., ay sina Larry Fonacier, Niño Canaleta, Billy Mamaril, Rafi Reavis, Dorian Peña, Mick Pennisi, Dennis Miranda at ang top PBA Draft prospects sa taong ito na sina Arwind Santos, Joseph Yeo at LA Tenorio.
Makakalaban ng Team Pilipinas ang Latvia sa Huwebes at sa Biyer-nes ang Angola.
Ang top team sa elims ay makakalaban ng No. 4 squad habang ang No. 2 team ay sasagupa sa No. 3 team sa crossover se-mis kung saan ang dala-wang mananalong kopo-nan ang maghaharap para sa titulo sa Linggo.