Manalo kinapos
August 1, 2006 | 12:00am
Kinapos si Marlon Manalo sa pagiging Pinoy multi-millionaire sa sports nang yumuko ito kay German Thorsten Hohmann sa makapigil-hinigang 8-7 iskor at makuntento sa runner-up place ng $2 million IPT North American Open 8-Ball Championship sa punumpunong The Venetian Hotel sa Las Vegas, Nevada noong Linggo ng gabi.
Minalas sa dry breaks buong gabi, umabante pa si Manalo sa 7-6 ngunit hindi naka-break sa 14th game na nagbigay daan kay Hohmann na ma-run out ang rack para itabla ang iskor bago ibulsa ng German ace ang 9-ball sa break sa deciding game sa pamamagitan ng solidong bola at ma-sweep ang panalo.
Ang panalong ito ni Hohmann, dating world 9-ball champion ay nagbigay sa kanyang ng pinakamayamang premyo sa kahit alinmang pool tournament sa tumataginting na $350,000 (kulang sa P18Million sa pera natin).
Gayunpaman, malaki na rin ang tinanggap ni Manalo, dating Asian snooker champion na nagbulsa ng $99,000 o may P5M.
Isang nakakahinayang pagkatalo ito kay Manalo na umaasam na maiuuwi ang multi-million peso victory matapos manguna sa mahigpitang round robins semis sa anim na players na kinabibilangan ng dalawang Pinoy na sina Dennis Orcollo at Efren Bata Reyes noong Sabado ng gabi.
Nakuha niya ang unang dalawang games sa finals, natalo sa sumunod na apat, at muling nanalo sa sumunod na dalawa para makatabla bago manaig ng tatlo sa sumunod na limang games kabilang na ang 13th rack kung saan sinamantala ang scratch ni Hohmann sa break para maabot ang 7-6 abante.
Ngunit hindi umayon ang kapalaran sa 31 anyos na si Manalo, na kumana ng magandang break sa 14th rack ngunit hindi naibulsa na nagbigay sa kanyang kalaban ng tsansang makabangon at makuha ang panalo.
Ang susunod na major event ng IPT ay gaganapin sa Setyembre 2-10 sa Grand Sierra Resort and Casino sa Reno, NV. kung saan ang first place ay tatanggap ng tumataginting na $500,000 kabuuang premyo ng $3M tournament.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended