^

PSN Palaro

Maganda ang panimula ng RP shuttlers

-
MACAU -- Nanalo ang Yonex Sunrise-Philippine badminton team ng dalawa sa anim na single matches sa pagsisimula ng US$120,000 Macau Open noong Miyerkules ng gabi sa Tap See Multi-Sports Pavilion.

Nanatiling buhay ang kampanya ng RP team sa tulong ng late entry na si Wally Fernandez at Chris-topher Flores matapos ipanalo ang kanilang mga matches laban sa mga local bets upang maka-usad sa susunod na round ng men’s main draw.

Hindi inalintana ni Fernandez ang pressure ng crowd na nagtsi-cheer para kay Oman Tong upang iposte ang 21-9, 21-14, upang manatili sa torneong ito na siyang kinokonsiderang Grand Prix tournament ng Inter-national Badminton Fede-ration (IBF).

Nangulimlim ang kam-panya ng RP shuttlers matapos ang kabiguan ni team captain Kennievic Asuncion kontra sa isang Malaysian, ngunit binig-yan ni Flores ng dahilan para magsayang muli ang mga Pinoy nang kanyang igupo ang isa na namang local favorite na si Chai Wai Keong, 21-16, 21-16.

Nawala sa diskarte si Asuncion, ang top player ng bansa, dahil sa mga crucial turnovers sanhi ng kanyang 10-21, 8-21 pag-katalo laban kay Malay-sian Hashim Muhd Afix.

Bigo rin sina RP No. 2 Lloyd Escoses, Rodel Bartolome at Owen Lopez.

BADMINTON FEDE

CHAI WAI KEONG

GRAND PRIX

HASHIM MUHD AFIX

KENNIEVIC ASUNCION

LLOYD ESCOSES

MACAU OPEN

OMAN TONG

OWEN LOPEZ

RODEL BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with