^

PSN Palaro

Suico binigo ni Diaz

-
Hindi umubra ang Filipino boxer na si Randy Suico sa matibay at mahusay na nagdedepensang kampeon na si Juan Diaz upang mapanatili ng huli ang titulo sa WBA lightweight division na pinaglabanan kahapon sa MGM Grand Garden sa Las Vegas.

Tinuruan ng matinding leksyon ni Diaz si Suico na mayroong taglay pang dalawang pulgadang height advantage sa nagdedepensang kampeon, nang gawing punching bag ni Diaz ang ulo ng Filipino challenger.

Sa halip na gamitin ang angking bentahe sa taas at kamay sa pamamagitan ng jabs ay nakipagsabayan nang suntukan si Suico na kinapitalista ni Diaz sa kanyang mga tila di sumasablay na suntok.

Dahil sa tindi ng mga tama ni Diaz kay Suico mula ulo hanggang sa katawan ay dinesisyunan ni referee Joe Cortez na itigil ang laban sa 2:06 sa eight round sa itinakdang 12 round bout para sa isang Technical Knock Out panalo ni Diaz.

Ang tagumpay ay nagpanatili sa malinis na karta ni Diaz na 30-0 at naiangat sa 15 ang KO panalo.

Ito naman ang ikatlong kabiguan sa 27 laban ni Suico na nag-unsiyami sa pangarap na titulo ng tubong Mandaue City boxer.

Ang pag-akyat sa lona ay unang pagtatangka ni Suico sa lehitimong world title at ang kabiguan ay hindi pumawi sa kabiguang inabot sa kamay nina Mzonke Fana at Javier Jauregui na pawang nanalo gamit ang desisyon ng tatlong hurado.

Ang laban na ito ay undercard sa rematch sa pagitan nina Shane Mosley at Fernando Vargas na napanalunan uli ni Mosley sa pamamagitan ng sixth round knockout. (LMC)

vuukle comment

DIAZ

FERNANDO VARGAS

GRAND GARDEN

JAVIER JAUREGUI

JOE CORTEZ

JUAN DIAZ

LAS VEGAS

MANDAUE CITY

MZONKE FANA

SUICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with