4 sunod na panalo sa PCU
July 11, 2006 | 12:00am
Pinatunayan ng Philippine Christian University na kahit wala ang top scorer na si Jason Castro ay kaya nilang manalo.
Bumangon ang Dolphins mula sa isang 12-point deficit sa third period upang takasan ang Jose Rizal Heavy Bombers, 81-77, at angkinin ang liderato sa NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Kumabig si Robby David ng 22 puntos, tampok rito ang 4-for-5 shooting sa 3-point range, 3 assists, 2 rebounds, 2 steals at 2 shotblocks para ihatid ang PCU sa 4-1 kartada kasunod ang nagdedepensang Letran (3-0).
Itinala ng Heavy Bombers, may 0-3 baraha ngayon, ang kanilang pinakamalaking lamang sa 53-41 buhat sa 3-point play ni John Wilson kay Kit Santos sa 4:18 ng third quarter bago naputol ng Dolphins sa pagpinid nito, 53-60.
Isang 6-0 atake ang inilunsad ng PCU sa kaagahan ng final canto para sa kanilang 59-60 agwat bago muling lumayo ang JRU sa 75-69 sa 2:32 nito mula sa basket ni Floyd Dedicatoria.
"Kahit na nakalayo ang JRU, still we did not lose our focus," ani coach Joel Dualan sa Dolphins na naghulog ng isang 10-2 bomba, lima rito ay mula kay Gabby Espinas, para iwanan ang Heavy Bombers sa 79-77 sa huling 23.9 segundo.
Tuluyan nang sinelyuhan ng PCU ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos ang fastbreak lay-up ni David sa natitirang 2.0 segundo. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended