Nararamdaman din ito ng kanyang mga manlalaro kung kayat medyo "shaky" ang naging simula nila sa opening game kontra Adamson Falcons.
Umarangkada kaagad ang Warriors na nakalamang ng sampung puntos sa first quarter subalit pagdating ng second period ay nakabuwelta ang Falcons at nakadikit, 31-26. Kaya naman sa halftime break ay sinermunan ni Pumaren ang kanyang mga players at pinagsabihan na hindi sila puwedeng mag-relax o magkanya-kanya. Kailangan ay pairalin nila ang teamwork kung nais nilang magwagi.
Hayun at nagawa nilang tambakan ang Falcons, 72-57 upang hindi biguin ang kanilang mga fans at ang mga "oddsmakers."
"Mabigat talaga," ani Pumaren. ""Kasi nga, bago nagsimula ang game, pinuntahan ako ng mga dating coaches ng UE at saka ng mga dating star players nila."
Kabilang sa mga nagbigay ng words of encouragement" kay Pumaren sina Jerry Codiñera at Allan Caidic na bahagi ng UE Warriors na huling nagkampeon sa UAAP noong 1985. Kinausap din siya ng mga tulad nina Ferdinand Ravena, Jimmy Mariano at Roehl Nadurata.
At siyempre, karagdagan pressure ang pangyayaring ang guest of honor sa opening ceremonies ay si Sen. Robert Jaworski na siyang pinakasikat na produkto ng UE. Si Jaworski ay naging bahagi ng ilang kampeonatong napanalunan ng Warriors noong 1960s. Siya ang itinuturing na "Living Legend" ng Philippine basketball.
At bago nagsimula ang laro, kinamayan siya ng "Maestro" na si Virgilio "Baby" Dalupan na siyang nakapagbigay ng pitong sunud-sunod na kampeonato sa Warriors.
Abay kung ganoon katitindi ang magbibigay ng "well wishes" kay Pumaren, tiyak na mape-pressure siya nang husto.
"Nakakahiya talaga kung natalo kami sa opening daygame," ani Pumaren.
Pero hindi porket nagwagi sila laban sa Adamson ay lusot na sa pressure si Pumaren. At hindi rin porket tinambakan nila ang Falcons kaya na nila itong gawin sa mga ibang koponan.
Alam ni Pumaren na simula pa lang iyon at magiging mas matindi ang mga susunod na laban nila. Kasi ngay pinag-aaralan sila ng lahat ng ibang teams.
Katunayan, sinabi nga ni Adamson coach Leo Austria na kahit na natalo sila sa UE ay kumbinsido sila na pwede silang makapamayagpag at sa second round, aka mabigyan nila ng mas magandang laban ang Warriors. Kasi ngay nangangapa pa rin naman si Austria sa bagong koponan niya.
Biruin mong ngayon pa lang ay nagbabanta na si Austria. Paano pa ang pagbabanta ng ibang coaches?