Phil. Star vs Meralco sa JVC Corporate Cup finals
July 7, 2006 | 12:00am
Magiting na nakipag-laban ang defending champion Philippine Star at bumangon mula sa unang kabiguan sa mixed doubles nang walisin nito ang tatlong sumunod na match tungo sa 4-3 pa-nalo laban sa AB Leisure at umabante sa finals ng corporate division ng P1M JVC Open Badminton Championships sa Glorietta Activity Center kahapon.
Sa kabilang dako, tanging sa mens doubles match lamang natalo ang Meralco laban sa Robin-sons Land Corp. nang mapagwagian nito ang apat na events kabilang na ang huling dalawang mixed doubles na may biyayang 4 points para makumpleto ang 6-1 panalo sa isa pang laban sa semis.
Bunga nito, itinakda ng Phil. Star at Meralco ang finals showdown para sa pangunahing P50,000 sa Linggo simula alas-12:30 ng tanghali.
Hindi naging maganda ang panimula ng Starmen nang yumukod sina Dodie Gutierrez at Jhona Magnaye sa unang mixed doubles match, 19-21, 21-13, 14-21 laban kina May-nard Pasakdal at Elaine Lao.
Ngunit nagsilbing ha-mon ito sa Phil. Star nang pumagitna sina Chester Cordero at Jopet Sison para makuha ang mens doubles at tambalang Annalyn Delgado at Melody Villaceran wo-mens doubles at daigin ang pares nina Albee Benitez-Ricardo Morales, 21-10, 19-21, 21-16, at Yugean Yusikee-Angelita Ramirez, 21-9, 21-12, ayon sa pagkakasunod.
Sumunod, nakipag-tam-balan si Cordero kay Dahlia Santiago para supilin sina Ginalee at Daymiel 13-21, 21-17, 21-18, sa second mixed doubles na nagkaka-halaga ng dalawang puntos para sa 4-1 bentahe.
Hindi na nilaro ng Star-men ang huling mixed doubles para sa iskor na 4-3.
Nauna rito, maghaharap naman sina Francesca Bermejo at Rina Batuigas sa finals ng kababaihan sa elite division makaraang manaig sa kani-kanilang kalaban sa torneong suportado din ng Victor, Bacchus Energy Drink, Lactacyd, Snickers Chocolates, Pioneer Life, LTIME Studio, Lifestyle Watch Store, Alaska, Ayala Center, The Philippine STAR, Accel, Sunbolt, Power-Smash, Pinoy Exchange, SolarSports at Magic 89.9.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended