^

PSN Palaro

Bakit nga ba umabot ng 12 rounds?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Last week, nagpa-survey kami kung sino sa palagay ng mga readers kung sino ang dapat na maging MVP sa PBA ngayong conference. Sa 257 na sumagot sa text vote, pinakamaraming boto si JAMES YAP.

Ngayon naman, hingi kami ulit ng opinyon nyo.

Sa tingin nyo, bakit tumagal ng 12 rounds ang laban ni Manny Pacquiao kay Larios?

Dahil ba sa a) pinahaba lang ni Manny para sumaya ang mga Pinoy, b) pinahaba ni Manny para maipasok lahat ng commercials sa TV,c) medyo humina na si Manny dahil sa dami ng kanyang extra-curricular activities?

Para bumoto, type nyo lang PM (space) NAP (space) at letra ng inyong sagot at pangalan nyo at i-send sa 2948 (para sa Globe at Sun subscribers) at 3940 (for Smart subscribers.)

Next Friday, ipapa-publish namin dito ang resulta ng boses ng masa.
* * *
Unprecedented ang nakuhang ratings ng coverage ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar Larios nung Linggo.

As in highest ever. As in halos lahat ng bahay ay sa Channel 2 naka-tune in nung Linggo ng hapon.

Marami ang nabuwisit sa haba ng coverage, sa dami ng commercials, sa haba ng undercard na inabot ng ten rounds bawat isa.

Kung iisipin mo nga, parang sinadya ang mga laban na tumagal hanggang sa huling round para nga naman ma-accomodate lahat ng commercials.

Bago mag-alas dose ng tanghali, marami na ang nakaalam na nanalo na si Manny Pacquiao via a unanimous decision. Alam na ng marami dahil kumalat na sa text ang balita.

Pero alam mo naman ang mga Pinoy, kahit alam na nila, matiyaga pa rin silang naghintay na makita ito sa TV at kung paano ipinanalo ni Manny ang laban.

Kaya naman hayan, grabe ang ratings!

Walang naipantapat ang GMA 7.
* * *
Saan ka makakakita na kung kailan pa ginawa ang isang historic boxing event sa sarili mong bansa at tsaka mo pa napanood ang laban na yan three hours delayed sa TV? Kung kailan pa nangyari sa sarili mong bayan at saka di mo napanood ng live sa TV?

Nakakaloka nga naman!

Only in the Philippines!
* * *
At nakakaloka dahil tuwing commercial breaks, halos si Manny pa rin ang makikita mo sa TV.

Sa dami ng commercials ni Manny-- McDonalds, Alaxan, Smart, Magic Sing, etc....-- siya pa rin ang nasa TV tuwing break.

Ha ha ha.....
* * *
Nakakaloka rin kasi nung Lunes, sa maniwala kayo’t hindi, sa mga familiar places na may nagbebenta ng DVD, eto ang maririnig nyo–– " DVD, DVD, Pacquiao-Larios DVD, meron na, DVD, DVD..."

Ha ha ha....

Grabe, ang bilis noh.......

Nung Linggo lang naglaban, nung Lunes, naka-DVD na.....

Angat nga ang Pinoy.....

CENTER

DVD

LINGGO

MAGIC SING

MANNY

NAKAKALOKA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with