UAAP Season 69 handa nang sumambulat
July 4, 2006 | 12:00am
Naghanda na ang Season 69 host University of the East ng kaaya-ayang opening rite na hudyat ng panimula ng University Athletics Association of the Philippines sa Sabado, ala-una ng hapon sa Araneta Coliseum.
Tampok sa seremonya ang pagkilala sa mga pinakamahuhusay at pinakamaniningning noong nakaraan taon, partikular na ang general champion na University of the Philippines sa senior at UE sa juniors na pormal na tatanggapin ang kani-kanilang tropeo.
Malugod ding tatanggapin ng UAAP ang dalawang bagong miyembro ng UAAP Board--sina Hercules Callantana makakasama si Sergio Cao ng University of the Philippines at Bernardo Rances ng Adamson University na makakasama naman ang league president noong nakaraang taon na si Rev. Fr. Maximo Rendon. Pinalitan ni CM Callanta si Dean Gilda Uy habang si Rances naman ay kapalit ni Dr. Ricardo Matibag, ang secretary-treasurer noong nakaraang season.
Napanatili naman ng iba pang member universities ang kani-kanilang kinatawan sa board, ayon kay Season 69 president Luz Sta. Ana ng UE. Ito ay sina Rev. Fr. Ermito De Sagon O.P. at Felicitas Francisco ng UST, Dr. Arline Royo at Roberto Paguia ng National University, Anton Montinola at Jocelyn De Leon ng Far Eastern University at Jose Capistrano Jr. at Richard Palou ng Ateneo.
Malugod din na tatanggapin ng liga ang pagpasok ni Elmer Yanga sa kanilang liga bilang commissioner. Pinalitan ni Yanga si Joe Lipa na nagbalik-coach sa UP.
Pagkatapos ng isang oras na opening ceremonies, na dadaluhan din ng mga dating Red Warriors, isusunod ang bakbakan sa seniors sa pagitan ng UE at Adamson sa alas-2 ng hapon at Ateneo at NU sa alas-4 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended