Talsik na sa karera para sa kampeonato, magiting na nakipaglaban ang Lyceum nang biguin nila ang 33 point performance ni Cherry Macatangay sa pamamagitan ng matatag na laban sa deciding set at tapusin ang kanilang kampanya ng may kasiyahan.
Ang Lyceum ay nagtapos na may 8-7 baraha at lalaban para sa ikatlong puwesto kontra sa mabibigo sa pagitan ng Adamson-SSC duel para sa ikalawang finals slot.
Nagpakita ng kanyang tunay na porma si Ma. Concepcion Legaspi, third best scorer sa liga na hatid ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision, sa kanyang hinakot na 29 puntos na sinuportahan nina Beverly Boto, Dahlia Cruz at Sherrilyn Carrillo, na may 12, 11 at 10, ayon sa pagkakasunod ngunit malamang na mawala ang momentum na kailangan kung makakalaban pa nila ang SSC sa knockout duel para sa karapatang harapin ang Lady Archers para sa korona.
Para makapuwersa ng playoff ang Lady Stags ay kailangang manaig sa FEU spikers bukas para makuha ang 5-of-8 incentives na ibinibigay ng liga.
Sa ikalawang laro, pinataob ng nauna ng finalist na La Salle ang FEU, 25-20, 26-24, 25-16.