^

PSN Palaro

PCU Dolphins determinadong mabawi ang korona

-
Matapos isuko ang korona sa Colegio De San Juan De Letran noong nakaraang taon, determinado ang Philippine Christian University na mabawi ang titulo sa men’s basketball title sa ika-82nd season ng National Collegiate Athletics Association.

Unang asignatura ng PCU Dolphins ay ang Mapua Institute of Technology sa ikalawang laro ng opening day ng 2006 season ng NCAA na tinaguriang ‘Proud and True at 82: Blazing Beyond Limits sa Araneta Coliseum sa June 24.

Kung naging malaking hamon kay coach Junel Baculi ang pagdedepensa ng titulo noong nakaraang taon, mas mahirap ang kanyang responsibilidad ngayon dahil sa pagkawala ng ilang key players na kinabibilangan nina Ramon Retaga Jr., Robert Sanz, Joel Solis at Yenz Salangsang na pare-parehong nakapagtapos na.

"We re trying to cope with the graduation of key players," ani Baculi, na humawak ng Dolphins noong nakaraang taon kapalit ng dating coach na si Ato Tolentino.

Ang kauna-unahang Most Valuable Player at Rookie of the Year awardee ng NCAA nang magkampeon ang Philippine Christian noong 2004 na si Gabby Espinas pa rin ang magiging main man ng Dolphins.

Makakatulong ni Espinas sina Jason Castro Lisztian Amparado, Beau Michael Vincent Belga at Ian Garrido.

Inaaasahang maibibigay ng mga rookies na sina Jumel Louie Chien, Los Angeles-born Clarence Bernell Graham Jr., Sam Jordan Hermosa, Destine Marwhil Javelona at Jetterson Vidal ang kakulangan ng mga nawalang players sa PCU.

Tinapos ng PCU ang kanilang elimination round campaign noong nakaraang taon sa pamamagitan ng 10-4 win-loss slate sa likod ng Letran bago nila dinispatsa ang MIT Cardinals sa Final Four para makapasok sa championship round.(Carmela V. Ochoa)

ARANETA COLISEUM

ATO TOLENTINO

BEAU MICHAEL VINCENT BELGA

BLAZING BEYOND LIMITS

CARMELA V

CLARENCE BERNELL GRAHAM JR.

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN

DESTINE MARWHIL JAVELONA

FINAL FOUR

GABBY ESPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with