Pinoy boxers may 2 gold at 2 silver

HANOI--Matagumpay ang 4-man RP Juniors Boxing team nang humakot ito ng 2 ginto at 2 silver medal sa pagwawakas ng kanilang kampanya sa 3rd Hanoi Inter-national Boxing Competitions among Women, Cadet, & Juniors.

Nagpamalas ng kanilang lakas sina Michael Paragoso (46 kg) at Orlando Tacuyan (57kg) kontra sa kanilang Taiwanese na kalaban nang talunin nila ang mga ito. Nanaig si Paragoso kay Cheng Chun Wei at namayani naman si Tacuyan kay Chu Juan Shing.

Sa women’s division na binubuo nina Alice Kate Appari, Annie Albania, at Mitchel Marti-nez dinispatsa nila ang kani-kanilang kalaban sa kumbinsidong paraan. Nanaig si Appari kay Sri Lankan Chabdrika sa puntos 23 -12 , habang dinispatsa naman ni Albania ang Viet-namese na si Vu Thi Hai Yen sa impre-sibong RSCos sa 2nd round, 16-1. Tinalo naman ni Martinez si Thai girl Ratre Kruakhe sa RSCos 18-3 sa second round.

Ang lahat ay nakatakdang makipaglaban sa finals.

Show comments