^

PSN Palaro

Pormang MVP ipapamalas ni Devance

-
Matapos limitahan sa anim na puntos sa Game 2, inaasahang babawi si Most Valuable Player (MVP) Joe Devance para sa Toyota Otis.

Ang naturang 6 produksyon ng 6-foot-6 na si Devance sa kanilang 63-78 pagyukod sa Game 2 noong Sabado ay nanggaling sa kanyang malamyang 2-for-16 field goals bunga ng mahigpit na depensa nina Robbie Reyes, Jerwin Gaco at Rico Maierhofer ng Harbour Centre.

Tabla sa 1-1, magsasalpukan ang Sparks at ang Portmasters sa mahalagang Game 3 ng kanilang best-of-five championship series ngayong alas-3 ng hapon para sa 2006 PBL Unity Cup Finals sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque.

Sa nasabing panalo ng Harbour Centre ni coach Jorge Gallent, kumolekta si Joseph Yeo ng 25 puntos kasunod ang 16 ni LA Tenorio at 14 ni Chico Lanete, nabigong makaiskor sa kanilang 51-68 kabiguan sa Toyota Otis sa Game 1.

"We defended well and we rotated the ball with precision," sabi ni Gallent sa kanyang Portmasters, naghahangad na makuha ang kanilang kauna-unahang korona sa amateur league. "Hopefully, ganito rin ang maging laro namin sa Game 3."

Bukod kay Yeo, isa rin si Tenorio sa mga inaasahan ni Gallent na maglalaro ng maganda para sa Harbour Centre.

"Ginagawa ko lang naman ‘yung role ko sa team. I make sure na lahat ng teammates ko nagiging effective din sa loob ng court," wika ng 5-foot-8 na si Tenorio, produkto ng San Beda Red Cubs at ng Ateneo Blue Eagles.

Sakaling manaig muli ang Portmasters sa Sparks sa Game 3, isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang tuluyan nang matikman ang kanilang unang titulo. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

CHICO LANETE

GALLENT

HARBOUR CENTRE

JERWIN GACO

JOE DEVANCE

JORGE GALLENT

PORTMASTERS

TENORIO

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with