Bandila ng Pinas winagayway ni Orcollo sa Reno, Nevada
June 13, 2006 | 12:00am
RENO, Nevada Muling pinatunayan ng tinaguriang RPs Money Game King na si Dennis Orcollo ang kanyang pagiging mahusay sa tumbukan ng itaas nito ang bandila ng Pilipinas nitong weekened matapos na dominahin ang 159 man-field ng 2006 Reno Open sa Sands Regency Hotel dito.
Pinayukod ng 27-anyos na si Orcollo, lumalaro mula sa stable ng businessman na si Perry Mariano si Kim Kimmer Davenport, 9-8 ng Oklahoma sa second set ng finals.
Bunga ng panalong ito, kumubra si Orcollo ng US$12,500, habang nakuntento naman si Davenport sa runner-up prize na US$7,500.
Matapos na makakuha ng bye sa first round, ginapi ni Orcollo sina Todd Chapman (9-3), Corey Deuel (9-5), Tom Seymour (9-1), Tim Hall (9-5), Riche Geiler (9-3), Bill Ganne (9-8) at si Davenport (9-1) para sa hot-seat match, ayon sa pagkakasunod.
Nagkaroon ng tsansa ang 50-gulang na si Davenport, 1990-97 winner dito sa Sands Regency event, na maipuwersa ang rematch kay Orcollo matapos na talunin ang pambato ng Texas na si Jui Lung Chen, 9-7 sa huling silya ng losers bracket.
Tinalo ni Davenport si Orcollo sa come-from-behind, 9-7 racks upang hatakin ang set sa double elimination finals laban sa taglay ni Orcollo na twice-to-beat advantage.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended