^

PSN Palaro

Magbalik kaya sa Alaska Aces?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kung titignang maigi ang nangyayari sa koponan ng Alaska Aces ay makikitang unti-unti’y ibinabalik ni coach Tim Cone sa poder ng Aces ang mga manlalarong naging bahagi ng sanlaksang kampeonatong napanalunan nito sa kalagitnaan ng nakaraang dekada.

Unang ibinalik sa team si Jojo Lastimosa na ngayon ay miyembro ng coaching staff. Matatandaang unang naipamigay si Lastimosa sa Pop Cola kung saan dalawang taon din siyang nagtagal doon bago muling kinuha ng Aces.

Ikalawang ibinalik ay si Rene Hawkins, Jr. na napunta sa Tanduay at Coca-cola. Ngayon ay playing assistant coach si Hawkins.

Ikatlong ibinalik si Jeffrey Cariaso na nagsimula ng kanyang career sa Alaska Aces noong 1995 kung kailan siya naparangalan bilang Rookie Of The Year. Si Cariaso ay naglaro sa Tanduay, Talk N Text at Coca-Cola bago kinuhang muli ng Alaska Aces kasama si Reynell Hugnatan kapalit nina Ali Peek at John Arigo.

Kaya naman hindi malayo na kunin muli ng Alaska Aces si Johnny Abarrientos na siyang pinakamahalagang piyesa sa tagumpay ng Aces. Si Abarrientos ay naging Most Valuable Player noong 1996 kung kailan nakakumpleto ng isang Grand Slam ang Uytengsu franchise.

Kaya naman nang ipahayag ni Cone na iniisip nilang ibalik sa kanilang organisasyon si Abarrientos sa ‘di malayong kinabukasan, marami ang naniniwala sa kanya.

Nasabi ito ni Cone matapos na ipahayag ni Abarrientos na masama pa rin ang loob niya sa Alaska matapos na maipamigay siya sa Pop Cola (ngayo’y Coca-Cola). Kasi nga, sa halftime ng Game One ng best-of-five quarterfinals ay sinabi ni Abarrientos na tuwing ang Alaska Aces ang kanilang kalaban ay pinaghahandaan niya ito nang todo. "Doble ang nagiging effort niya sa ensayo dahil may gusto siyang patunayan sa kanyang dating koponan.

Kumbaga’y hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihilom ang sugat na nilikha ng trade. Para bang pakiramdam ni Abarrientos ay hindi siya binigyan ng pagpapahalaga ng Alaska Aces noong ipinamigay siya. Hindi siya binigyan ng pagpapahalaga gayung ang "best years’" ng kanyang career ay inialay niya sa koponang iyon.

Sayang nga lang at si Abarreintos ang naging "goat" sa pagkatalo ng Coca-Cola sa Game-One nang magmintis siya ng tatlong free throws sa huling minuto. Imbes na makapaghiganti siya nang konti ay napahiya pa siya dahil sa nagawa ng Aces na makabawi sa 24-puntos na abante ng Tigers at  magwagi, 95-94 sa last second three-point shot ni Nic Belasco.

Ang tanong nga lang diyan ay kung tototohanin nga ng Alaska ang balak na muling kunin si Abarrientos at kung papayag si Abarrientos na magbalik.

Kung sabagay, kapag trade ang nangyari, walang magagawa si Abarrientos dahil bahagi iyon ng kanyang kontrata.

Kapag nakabalik ba siya ay maghihilom na ang sugat?

vuukle comment

ABARRIENTOS

ACES

ALASKA

ALASKA ACES

ALI PEEK

COCA-COLA

GAME ONE

GRAND SLAM

POP COLA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with