^

PSN Palaro

2 WINS NA LANG LAGOT NA SI MARK CAGUIOA

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Pauna lang: Alam nyo ba na kapag na-multiply nyo ang 111,111,111 by 111,111,111 , kamangha-mangha ang resulta?

Subukan nyong gawin sa calculator nyo at ang product?

12345678987654321.
* * *
Punong-puno ang Araneta Coliseum nung Miyerkules at halos lahat eh umasang gagawa muli ng isang malaking milagro ang Ginebra San Miguel.

Pero sadyang napakalakas ng Red Bull team kaya naman hirap na hirap ang mga bata ni Coach Siot Tanquingcen.

Lalapit ang Ginebra pero wala rin dahil bigla na ring lalayo ang Red Bull.

Talagang obvious na kulang sa tao ang Ginebra and that mattered a lot. In fact, that will matter a lot sa series nila

Sabi ng isang Red Bull insider, dalawang games na lang at tatakbo na ng Baywalk si Mark Caguioa ng hubo’t hubad.
* * *
Tuwing matatalo ang team ng isang PBA coach, marami ang natutuwa.

Kasi sobrang yabang ng coach na ito na mula nung maging head coach sa PBA eh lalo pa raw itong yumabang.

Tuwing matatalo naman ang team ng isang sikat na PBA player, marami rin ang natutuwa.

Paano kasi, sobrang yabang na rin ng player na ito na akala niya’y siya ang pinakamagaling sa buong PBA.
* * *
Napakaganda naman ng laban ng Alaska at Coca Cola.

Napakalaki ng lamang ng Coca Cola at hindi mo aakalaing matatalo pa sila.

Pero dahil sa husay ni Coach Tim Cone, nagawan niya ito ng paraan at nalusutan pa ang malaking lamang ng Coca Cola.

Sa sobrang ganda ng laro nila, parang nakapanood ka na rin ng isang NBA game.
* * *
Inaasahang magiging maganda ang itatakbo ng UAAP this year kapag tumatakbo na ang liga, lalo na pagdating sa officiating.

Ngayong ang commissioner nila ay  ang respetadong dating PBA team manager na si Elmer Yanga, marami ang umaasang magi-improve ang pamamalakad ng UAAP games this season.

And Elmer Yanga will make sure of that.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CENTER

COACH SIOT TANQUINGCEN

COACH TIM CONE

COCA COLA

ELMER YANGA

GINEBRA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with